Mahigit 161.6-K passenger arrivals, naitala ng BI mula Dec. 23-25

Mahigit 161.6-K passenger arrivals, naitala ng BI mula Dec. 23-25

MAHIGIT 161.6-K (161,664) ang naitalang passenger arrivals sa bansa mula Disyembre 23 hanggang 25, 2023 ayon sa Bureau of Immigration (BI).

81% sa passenger arrivals na ito ay naitala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang nabanggit na bilang ay dapat ipagdiwang para sa sektor ng tourism at international travels.

Itoy dahil malapit nang malagpasan ang pre-pandemic numbers ng passenger arrivals.

Bago ani Tansingco ang COVID-19 pandemic, nasa 55-K ang daily arrivals at 47-K ang daily departures sa buwan ng Disyembre.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble