NAGPADALA ng 172 para-athletes at 45 coaches ang Pilipinas sa 12th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Para- Games na nakatakda ngayong Hunyo 3 – 9 sa Cambodia.
Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachman, layunin ng Team Pilipinas ang maipanalo ang bansa at mahigitan ang naging record noong 2022.
Noong 2022, nakakuha ng 28 gintong medalya; 30 pilak; at 40 tanso ang Pilipinas.
Ika-5 rin sa overall ranking ng event ang bansa.