Mahigit 1K, gumaling sa COVID-19 ngayong araw sa bansa

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 1,072 na gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, umabot na sa 579,518 o 84% ang gumaling mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa na mayroon nang 684,311.

Naitala naman ang 6,666 bagong kumpirmadong kaso at 47 ang bagong nasawi sa nasabing virus.

Kasalukuyang ginagamot ang 91,754 habang naitala ang kabuuang nasawi sa 13,039.

Sa mga aktibong kaso, 95.3% ang mild, 2.5% ay asymptomatic, 0.9% ang severe, 0.46% ang moderate, at 0.8% ay kritikal ang kondisyon.

“There were six duplicates removed from the total case count as one of these is a recovered case. Moreover, eight cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation,” ayon sa DOH.

Samantala, nanawagan naman ang DOH sa publiko na manatili sa bahay at tiyakin ang maayos na bentilasyon sa bahay upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus.

(BASAHIN: Karagdagang 400,000 dosis ng CoronaVac na donasyon ng China, dumating na)

SMNI NEWS