Mahigit 1.4K, nahuli ng Southern Police District sa pinaigting na unified curfew hour sa NCR

MAHIGIT sa 1,400 ang nahuli ng Southern Police District (SPD) na lumabag sa unang araw ng ipinatutupad na unified curfew hour sa Metro Manila kahapon Marso 15 mula 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. ngayong araw.

(BASAHIN: Mahigit 9K pulis, ipakakalat; 373 checkpoints itatayo, para sa uniform curfew sa NCR ngayong araw)

Kabilang sa mga city police station na may naitalang nahuling lumabag sa curfew hour sa kabuuang 1,428 bilang:

Pasay CPS: 372
Makati CPS: 147
Parañaque CPS: 226
Las Piñas CPS: 358
Muntinlupa CPS: 203
Taguig CPS: 109
Pateros MPS: 13

Pinangunahan ni PBGen. Eliseo DC Cruz ang Southern Police District sa tulong ni PCol. Enrico H. Vargas, PCol. Emmanuel T. Hebron, PCol. Bernard Yang, at PLtCol Mark Ver Victor ang unang araw ng magkasabay na paglunsad ng curfew sa Baclaran, Pasay, Parañaque, BGC, at Makati.

Matatandaan na ipinatupad ng Metro Manila Mayors ang uniform curfew hours dahil sa paglala ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Bilang pagtugon ay pinakikilos ng SPD ang mga tauhan nito upang tumulong sa mga istasyon ng SPD MaTaPatPaMulaPa sa mahigpit na pagpatutupad ng curfew at hulihin ang mga lumalabag na mga residente na walang pahintulot na lumabas sa kanilang mga bahay.

Ayon sa District Director, naging maluwag pa ang ipinatupad na curfew sa unang araw kung saan pinauuwi sa mga bahay ang mga minor de edad ngunit ipatutupad na ng PNP ang istriktong curfew sa susunod na mga araw.

SMNI NEWS