HAWAK ng militanteng grupong Baloch Liberation Army ang mahigit 200 (214) katao matapos na pinasabog nila nitong Martes, Marso 11, 2025 ang isang tren sa Southwestern Pakistan.
Ayon sa mga awtoridad sa naturang bansa, nagsasagawa na sila ngayon ng malawakang operasyon laban sa mga militante.
Ngunit sinabi ng militanteng grupo na posibleng papatayin nila ang 10 sa kanilang hostage bilang sagot sa operasyon ng mga awtoridad.
Sa kabila nito ay hiniling din ng militanteng grupo na pakawalan na ng government troops sa loob ng 48 oras ang kanilang kasamahan na dinukot din ng mga militar.
Follow SMNI News on Rumble