UUPO bilang maliliit na opisyal sa Muntinlupa City ang aabot sa 204 na mga mag-aaral bilang aktibidad nila sa pagdiriwang ng 2022 Boys and Girls Week.
Mula nitong November 7 – 11, ang mga mag-aaral mula sa public at private elementary at secondary schools ang siyang tatayo bilang mayors, vice mayors, councilors at department heads ng lungsod.
Target nito ang magkaroon ng hands-on training and exposure program ang mga kabataan bilang public servants.
Sa November 11 naman ay bibisitahin ng “little officials” ang flagship projects ng lungsod gaya ng Muntinlupa Aquatic Center, Muntinlupa track and field, Museo ng Muntinlupa, resiliency building, fishlayan, Sucat People’s Park at Colegio de Muntinlupa.
Ang Boys and Girls Week ay sinimulan ng Muntinlupa LGU noong 1992.