Mahigit 200 munisipalidad, walang fire trucks—Sen. Angara

Mahigit 200 munisipalidad, walang fire trucks—Sen. Angara

NASA 121 na munisipalidad sa bansa ang walang fire stations habang nasa 202 naman na munisipalidad ang walang fire trucks.

Ito ang ibinunyag ni Sen. Sonny Angara sa pagdinig ng Senado sa 2024 Proposed National Budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Dahil dito, sinabi ni Angara na kailangan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng P1.21-B na pondo para mapunan ang kakulangang ito sa buong bansa.

Kailangan din ng ahensiya ng P2.46-B para makabili ng 164 na bagong fire truck units.

Si Angara ang sponsor ng pondo ng DILG sa Senado na inaprubahan din agad noong Huwebes, Nobyembre 9, 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble