Mahigit 200 pamilya, inilikas sa malawakang pagbaha sa Talisay, Negros Occidental

INILIKAS ang nasa mahigit 200 kapamilya dahil sa malawakang pagbaha dulot ng malakas na ulan sa Lungsod ng Talisay, sa probinsiya ng Negros Occidental.

Kabilang sa mga apektadong pamilya dahil sa pagbaha ang Zone 2, 55 mula sa Barangay Bubog, 45 mula sa Zone 3, 21 mula sa Zone 12, pito naman mula sa Zone 16, lima mula sa Talisay South at dalawa mula sa Zone 4A ang nailikas sa mga evacuation center.

Una nang nag-isyu ang Pagasa sa malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga lugar ng Negros Occidental kabilang ang Bacolod, Talisay, Silay, E.B. Magalona, Victorias, at Manapla.

Inilagay na rin ang Talisay City sa state of calamity dahil sa mga pinsala sa mga kabahayan at imprastraktura dulot ng walang tigil na magbuhos ng ulan sa nakaraang mga araw.

SMNI NEWS