Mahigit 200 residente sa Montalban, Rizal binawi ang suporta sa CTGs

Mahigit 200 residente sa Montalban, Rizal binawi ang suporta sa CTGs

UMABOT sa mahigit 200 indibidwal mula sa Brgy. Mascap, Montalban Rizal na binubuo ng Militiang Bayan, Tagapaniktik, Baseng Masa at mga residente ang nagpahayag ng kanilang pagkondena at pagbawi ng kanilang suporta sa communist terrorist groups (CTGs) o CPP-NPA-NDF.

Sa ginanap na Local Peace Engagement (LPE) nitong nakaraang Linggo na ginanap sa nabanggit na lugar tinuligsa at tuluyan nang pinutol ng mga residente ang kanilang ugnayan sa naturang rebeldeng grupo.

Ang nabanggit na Local Peace Engagement ay pinangunahan ng punong barangay na si Marianito Nicasio, kasama ang Brgy. Task Force ELCAC (BTF-ELCAC).

Dumalo rin sa seremonya ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Interior and Local Government (DILG), National Intelligence Coordinating Agency (NICA-4A), DTI Montalban, Public Attorneys’ Office (PAO), PENRO, kapulisan, at kasundaluhan.

Naroon din si BGen. Cerilo Balaoro Jr., Commander ng 202nd Brigade ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army at iba pa.

Layon ng naturang LPE na mas mamulat pa ang mamamayan ng Brgy. Mascap ukol sa panukalang batas na Anti-Terrorism Act.

Layon din nitong matapos na ang pananalasa at paghahasik ng kaguluhan ng mga bandidong CPP-NPA-NDF sa nasabing bayan.

Follow SMNI NEWS on Twitter