Mahigit 200 small-time rice retailers sa NCR, nakatanggap ng ayuda—DSWD

Mahigit 200 small-time rice retailers sa NCR, nakatanggap ng ayuda—DSWD

INUMPISAHAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng P15-K cash assistance sa small-time rice retailers na apektado sa ipinatutupad na price cap sa bigas.

Nitong Sabado, Setyembre 9, 2023 nasa mahigit dalawang daang retailers (232) sa Metro Manila ang nakatanggap ng ayuda.

Sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian, aasahan na makararating na rin ang ayuda sa ibang bahagi ng bansa.

Tinatayang makatutulong kahit papaano ang P15-K na ayuda sa loob ng pitong araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble