Mahigit 2,000 baboy dumating na sa Vitas Port, Tondo, Manila

DUMATING ang mahigit 2,000 baboy sa Vitas Port sa Tondo, Manila mula sa General Santos City.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ito ay pupuno sa kakulangan sa suplay ng pork products sa Metro Manila.

Ang mga naturang baboy ay dadalhin sa mga pangunahing palengke sa Quezon City.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ngayong linggo ang pinakamaraming dumating na baboy sa Metro Manila kung saan kahapon aabot sa 6800 na baboy ang dumating.

Aniya, kukonti pa lang ito at aasahan pa ang pagdating ng mas maraming baboy mula sa ibat’ ibang piggeries sa bansa.

Inilahad ni Asec. Arnel Demesa, nasa 50% ng mga baboy na dumating sa Metro Manila ay galing sa CALABARZON at ang mga baboy mula sa Mindanao ay nag-uumpisa pa lang magdatingan.

Ayon naman kay Asec.Frederiko Laciste, bantay presyo executive director, sa pag-iikot nila sa mga pangunahing palengke dito sa Metro Manila ay marami na ang sumusunod sa price ceiling na itinakda ng pamahalaan.

Karamihan ng mga pork vendors sa wet market aniya ay nagbukas na rin matapos mag-pork holiday.

Dagdag ni Usec. Laciste, sa unang linggong pag-iikot sa mga palengke ay may na issue na rin silang notice of complaints sa mga ilang stall vendors na hindi sumusunod sa price cap na itinakda ng pamahalaan.

Sa kabila ng mga ginagawa ng Department of Agriculture na tugunan ang pork supply sa bansa, may mga ulat naman na hindi pa nararamdaman ng mga pork vendors ang mga ipinaparating na mga baboy.

Samantala, bilang tugon sa African Swine Fever, pa tuloy pa rin ang nakikipagugnayan ng Department of Agriculture sa US Department of Agriculture (USDA)at sa bansang Vietnam hinggil sa bakuna kontra ASF.

Ayon kay Sec. William Dar, kung pahihintulutan ng USDA ay gagawa ang bansa ng sariling bakuna.

SMNI NEWS