NAAPRUBAHAN ng Malaysia Immigration Department ang mahigit 200,000 visa applications ngayong taon.
Inanunsyo ng Immigration Department na mahigit 200k na aplikasyon ang naaprubahan sa pamamagitan ng E-VDR ngayong taon.
Ayon kay Immigration Director General Datuk Seri Khairul Dzaimee Daud, ang ahensya ay nakatanggap ng may kabuuang 229,151 Visa with Reference (VDR) applications kung saan 225,181 lamang ang naaprubahan hanggang nitong katapusan ng Setyembre.
Gayunpaman, ayon sa Immigration Department, ang mga natitirang aplikasyon ay patuloy na ipinoproseso at maaring maaprubahan sa loob ng isang linggo.
Ang mga VDR na naaprubahan ngayong taon ay binubuo ng 4,635 na dayuhang kasambahay, 12,740 mula sa construction sector, 45,405 mula sa service sector, 120,941 na factory worker, 32,171 mula sa farming sector at 9,289 mula sa sektor ng agrikultura.