KATIBAYAN ng tagumpay ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mahigit 24,000 na mga nagsisukong komunistang-terorista ayon sa pahayag ng isang opisyal ng pamahalaan.
Ang NTF-ELCAC ay isang “Whole-of-Nation Approach” na pinatutupad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 na magbigay-daan sa tunay na kapayapaan sa bansa.
Inilabas ang pahayag na ito ni NTF-ELCAC Spokesperson for Sectoral Concerns at Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy bilang kasagutan sa mga walang basehan na komento ng nakakulong at re-electionist na si Senador Leila de Lima.
Una nang sinabi ni De Lima na sablay ang NTF-ELCAC at si Pangulong Duterte sa laban ng mga ito sa mga komunistang-terorista.
Samantala, iniulat naman ni Navy Captain Ferdinand Buscato, Executive Director ng Task Force Balik Loob, sa nasabing bilang ng mga nagsisuko na sa pamahalaan, 2,052 ay talaga namang ‘violent extremists.’
Kaugnay nito, halos lahat sa mga sumuko ani Buscato ay namumuhay na nang maayos at tinulungan ng pamahalaan para sa tiyak nilang mga kabuhayan.
BASAHIN: Former Sec. Leila de Lima, nag-panic sa isiniwalat ni Gen. Jovito Palparan – Usec. Badoy
PRRD, pinanigan si Usec. Badoy sa pahayag laban sa 5 partylist na kaalyansa ng CPP-NPA