Mahigit 24 milyong SIM cards, rehistrado na –DICT

Mahigit 24 milyong SIM cards, rehistrado na –DICT

PUMALO na sa mahigit 22 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), pumalo na sa 24,120,541 SIM ang nairehistro hanggang nitong Enero 22, 2023 na katumbas ng 14.27% ng 168 milyong active subscribers sa Pilipinas.

Pinakamarami sa nakapagparehistro na ay sa Smart na umabot na sa 12.1 milyon, sa Globe naman ay mahigit 9.9 milyon habang 1.96 milyon naman sa Dito.

Magsisimula na rin ngayong linggo ang SIM registration rollout sa mga remote areas para sa 15 identified location sa iba’t ibang probinsya.

Disyembre 27, 2022 nang umarangkada ang mandatory SIM registration at matatapos sa Abril 26, 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter