Mahigit 3-K detinadong Pinoy, nakabalik na sa Pilipinas sa loob ng 2 buwan

Mahigit 3-K detinadong Pinoy, nakabalik na sa Pilipinas sa loob ng 2 buwan

NAKABALIK na ang mahigit 3-K na detinadong Pinoy mula sa Sabah Immigration centers sa Pilipinas mula sa buwan ng Setyembre.

Nitong Nobyembre 16 ay muling nagsagawa ang Immigration Department ng deportasyon para sa mga 480 detinadong Pilipino sa mga Immigration center sa estado ng Sabah sa pamamagitan ng Sandakan patungong Zamboanga City sakay ng M/V Antonia 1.

Ang mga detinado ay kinabibilangan 340 lalaki, 82 babae, 50 bata na nasa pagitan ng edad 12 pababa at walong bata na wala pang 2 taong gulang.

Ang mga na-deport na Pilipino ay nagmula sa Tawau Immigration Department.

Ayon kay Sabah Immigration Diretor Datuk Sharifah Sitti Saleha Habib Yusof, may kabuuang 4,658 detinadong dayuhan mula sa iba’t ibang nasyonalidad ang matagumpay na nai-deport.

Pilipinas ang may pinakamataas na bilang na may 3,015 deportees, sinundan ng Indonesia na may 1,427 deportees at 216 na iba pang nasyonalidad.

Sinabi ni Datuk Sharifah na ang mga deportee ay inaresto at ikinulong dahil sa paglabag sa mga kinakailangan sa paglalakbay ng Malaysia sa panahon ng mga operasyon laban sa mga iligal na imigrante sa Sabah.

Patuloy na pinaaalalahanan ng Immigration Department ang mga dayuhan na tiyakin na may mga valid documents ang mga ito bago pumasok sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok