Mahigit 30 People’s Organization mula sa Cagayan, dumalo sa 3-day training

Mahigit 30 People’s Organization mula sa Cagayan, dumalo sa 3-day training

AABOT sa 99 katao at nasa 37 peoples organization mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan ang dumalo sa isinagawang 3-day People’s Organization Capability Building and Empowerment Training.

ang nabanggit na pagsasanay ay pinangunahan ng Provincial Government ng Cagayan at sa pakikipagtulungan ng tropa ng 17th Infantry Battalion (17IB), 95th Infantry Battalion (95IB), Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), at grupong Sambayanan Cagayan Valley.

Kabilang sa mga tinalakay sa nasabing training ay ang mga PO’s System Gaps Identification, Farmers Wheel Creation, Roles of PO Officer, Basic Bookkeeping, Project Proposal Lecture and Workshop at sa panghuling araw ay naturuan sila ng Mushroom Propagation at Aquaponics.

Ayon kay Mauricio Aguinaldo, presidente ng Sambayanan Cagayan Valley Regional Chapter na mahalaga ang ganitong klaseng pagsasanay para ito ang kanilang gagamitin na batayan sa mga komunidad na patuloy pa na sumusuporta sa komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Dagdag nito, hihikayatin nila ang mga natitirang supporters ng rebeldeng grupo na talikuran ang mga maling sinasabi at paniniwala ng makakaliwang grupo.

Follow SMNI NEWS on Twitter