Mahigit 30 West Africans nasagip mula sa isang human trafficking ring

Mahigit 30 West Africans nasagip mula sa isang human trafficking ring

NASAGIP ng mga pulisya ang nasa 33 West Africans mula sa isang human trafficking ring sa Ivory Coast.

Ang mga biktima, ayon sa INTERPOL, ay nagmula sa Benin, Burkina Faso, Togo, at Ghana.

Sa pahayag naman ng international police agency, ang human trafficking ring na kanilang tinutukoy ay nang-aakit ng mga tao para magtrabaho umano sa Canada.

Ang mga malolokong biktima ay sinasabing nagbabayad ng hanggang 9 thousand dollars sa pekeng recruiter.

Ngunit sa halip na sa Canada ang biyahe, sa Ivory Coast ang kanilang naging punta.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble