Mahigit 300 kilo ng shabu, nasamsam sa isang barangay sa Baguio

Mahigit 300 kilo ng shabu, nasamsam sa isang barangay sa Baguio

NASABAT ang mahigit 300 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 bilyon na nakalagay sa hindi bababa sa 500 piraso ng mga tea bag, na may markang Chinese character sa inuupahang ‘warehouse’ ng isang Chinese national sa Purok 4, Barangay Irisan ngayong Miyerkules.

Arestado si Hui Ming, alyas “Tan”, isang Chinese national sa isinagawang raid ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng Cordillera Police kasama ang PDEA.

Ayon kay Cordillera Police Director Brigadier General David Peredo, nauna nang humingi ng search warrant sa lokal na korte ang mga ahente ng anti-narcotics mula sa RDEU matapos ang intelligence operations laban sa suspek.

Samantala, inatasan ni Peredo ang mga pulis sa probinsiya na patuloy ang pagsisikap na alisin ang iligal na droga sa 6 na probinsiya at 2 lungsod sa Cordillera.

Hinihintay pang makuha ang imbentaryo ng nakumpiskang shabu para na rin sa kasong isasampa kay Ming.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter