SINABI ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang Cebu Pacific Flight 5-J-5-0-4 at Flight 5-J-5-0-5, na parehong balikang biyahe ng Manila-Tuguegarao, ay hindi natuloy dahil sa masamang panahon.
Agad namang inasistehan ng Cebu Pacific ang mga apektadong pasahero, at nagbigay ng mga alternatibong opsiyon para sa kanilang biyahe.
Samantala, muling in-activate ng CAAP ang kanilang Malasakit Help Desk at tinaasan ang presensiya ng mga pulis at security personnel sa mga apektadong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Pinapayuhan ng CAAP ang mga pasaherong magbabiyahe na makipag-ugnayan sa airline para sa mga updates sa kanilang flights.