Umabot sa mahigit tatlumpung libong indibidwal ang naitala ng grave services unit ng Philippine Army na bumisita dito sa Libingan ng mga Bayani sa unang araw ng Undas.
Buwan ng Mayo taong 1947 unang naitatag ang Libingan ng mga Bayani bilang isang angkop na lugar ng pahingahan para sa mga tauhan ng militar ng Pilipinas.
Dito na nakahimlay ang mga heneral na naglingkod noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kalaunan ay itinalaga ito bilang opisyal na lugar ng libingan para sa mga yumaong pangulo ng Pilipinas, pambansang bayani, mga makabayan, Pambansang Alagad ng Sining, at Pambansang Siyentipiko.
Kabilang sa mga lider at mga dignitaryo ng Pilipinas na nakalibing dito ay sina Pangulong Elpidio Quirino, Carlos P. Garcia, at Diosdado Macapagal; dating Pangalawang Pangulo Salvador H. Laurel; mga heneral na sina Artemio Ricarte at Carlos P. Romulo; at marami pang iba.
Habang Si Fidel V. Ramos naman ang pinakabagong pangulo ng bansa na inilibing dito noong Agosto 9, 2022.
Kaya naman hindi na kataka-taka na tuwing sasapit ang Undas ay dagsa ang mga tao dito sa Libingan ng mga Bayani.
Sa panayam ng SMNI News kay LtCol. Elenita Altamirano commanding officer ng Grave Service Unit, Army Support Command ng Philippine Army as of 2:00pm November 1 araw ng Biyernes, umabot na sa mahigit 30,000 indibidwal ang pumasok sa Libingan ng mga Bayani para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
“Mula kahapon nang nag-open ang Libingan ng mga Bayani ng alas otso ng umaga tayo ay nakapagtala na ng 30,462 at as of kaninang alas dos kaninang hapon,” LtCol. Elenita Altamirano Commanding Officer, GSU, ASCOM, PA.
Sa dami ng mga bumisita hindi maiwasan na magkaroon ng traffic sa bayani road papasok sa main gate ng Libingan ng mga Bayani dahil na rin sa higpit ng suguridad at inspeksyon na ipinapatupad ng kasundaluhan katuwang ang kapulisan.
Pagpasok sa main gate ay pinapaiwan ng mga pulis ang matutulis na bagay bilang pagsunod sa patakaran tuwing undas, gaya ng screw driver, lighter, cutter, gunting at iba pa.
“Actually hindi siya na-confiscate kondi ipinasurrender ng ating PNP na naka duty ngayon sa main gate at yon ay mga dangerous equipment ay ipinagbabawal natin na ipasok sa Libingan ng mga Bayani yang mga isinurender ay ibabalik din naman sa kanila yan kapag sila ay palabas na,” saad ni LtCol. Elenita Altamirano Commanding Officer, GSU, ASCOM, PA.
Sa kabuuan, sinabi ni LtCol. Altamirano naging maayos ang unang araw ng undas sa Libingan ng mga Bayani dahil sa pakikipagtulungan narin ng ibang major services.
“Ang unang Undas ngayon si generally peaceful dahil sa security protocol that we have established same as last year what the army is doing mayroon tayong incollaboration with other major services other agency ating kapulisan at ating LGUs natin BFP at ibang uniformed personel natin uoang ang unang araw ng Undas natin ay maisagawa ng may kaayusan,” ani Altamirano.
Sinabi ni LtCol. Altamirano na hanggang sa araw ng linggo magpapatuloy ang kanilang pagbabantay dahil inaasahan pa nila na madadagdagan pa ang bilang ng mga pupunta dito sa Libingan ng mga Bayani sa mga susunod na araw.