Mahigit 31-K na traditional jeepneys sa Metro Manila, hindi pa sumali sa PUV consolidation

Mahigit 31-K na traditional jeepneys sa Metro Manila, hindi pa sumali sa PUV consolidation

NASA 31,058 pa na mga traditional jeep sa Metro Manila ang hindi sumali sa consolidation bilang bahagi ng public utility vehicle (PUV) Modernization Program sa kabila ng itinakdang Disyembre 31 deadline.

Batay ito sa datos ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB).

Kung hindi man makasama sa consolidation ang naturang bilang ng jeep, maaaring mawalan ang mga ito ng franchise matapos ang deadline.

Nauna nang ipinanawagan ng transport group na PISTON ang pagkakaroon ng temporary restraining order mula sa Supreme Court laban sa implementasyon ng PUV modernization.

Ang grupong Manibela ay ganoon din ang ipinanawagan.

Kung matatandaan, sinabi na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na walang magiging extension sa Disyembre 31 deadline na itinakda para isagawa ang PUV consolidation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble