HALOS limang milyong benepisyaryo sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble na ang nabigyan ng one-time financial aid.
Ayon ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa inilabas na monitoring data ng Department of Interior Local Government (DILG) hanggang Abril 15.
Nasa 4,930,607 low income individuals ang nakatanggap na ng ayuda sa NCR Plus bubble.
Ibig sabihin 21.5% ng mahigit 22 bilyong target recipients sa NCR Plus bubble ang nabigyan na ng cash assistance.
Nasa P4.93 bilyon na ang kabuuhang naipamigay na cash assistance ng mga local government unit (LGU).
Base sa ulat ng DILG, ang bulto ng ayuda ay naipamahagi sa NCR kung saan P3.45 bilyon ang naipalabas na badyet.
Nasa 3,454,732 beneficiary naman mula sa mahigit 11 milyong target recipients ng Metro Manila ang nakatanggap ng cash assistance.
Samantala, sa Cavite, Laguna at Rizal, mahigit 1.2 milyong benepisyaryo na ang nabigyan ng ayuda.
Lampas P1.22 bilyon na ang naipabalas na budget ng mga naturang lokal na pamahalaan.
Sa Bulacan naman, 250, 703 indibidwal na ang nakatanggap ng tulong pinansyal kung saan mahigit P250.7 milyong ayuda na ang naipamahagi sa nasabing probinsiya.