Mahigit 4-k police uniformed personnel ng NCRPO, umakyat sa 2nd level officer rank

Mahigit 4-k police uniformed personnel ng NCRPO, umakyat sa 2nd level officer rank

PINANGUNAHAN mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief regional Director PMGen. Jonnel Estomo ang panunumpa sa mga bagong promote na Metro Manila police personnel.

Kabuoang 512 police commissioned officer at 4,149 police non-commissioned officers ang umakyat sa 2nd level officer rank.

Personal naman na pinaalalahanan ni Estomo ang mga promotees na maging responsable sa mga bagong posisyon at isipin ang kapakanan ng mandato ng Philippine National Police (PNP).

Mariing hinimok ng heneral ang mga kasamahan nito na huwag masilaw sa kapangyarihan lalo na sa usapin sa iligal na droga.

Bukod sa NCRPO, isinagawa rin ang simultaneous oath taking at donning of ranks sa iba’t ibang rehiyon sa bansa sa pangunguna ng PNP National Headquarters na dinaluhan mismo ni PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr.

Follow SMNI News on Twitter