NASA 44 na Overseas Filipinos Workers (OFWs) ang nahaharap sa parusang kamatayan ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sa bilang, 41 ang nasa Malaysia, 2 sa Brunei at 1 sa Saudi Arabia.
Ang mga ito ay sangkot sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at murder.
Ibinahagi ng DMW na sinusubukan pa nilang iapela ang kaso ng OFW sa Saudi Arabia.