Mahigit 400 kandidato sa BSKE, pinagpapaliwanag dahil sa premature campaigning

Mahigit 400 kandidato sa BSKE, pinagpapaliwanag dahil sa premature campaigning

INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na umabot na sa mahigit 400 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang nabigyan ng show cause order dahil sa umano’y maagang pangangampanya o premature campaigning.

Karamihan sa mga kandidatong ito ay nagmula sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cebu, at Iloilo.

Sa pamamagitan ng show cause order ay pagpapaliwanagin ang mga kandidatong ito dahil sa kanilang paglabag.

Giit ng COMELEC na sa Oktubre 19 pa magsisimula ang campaign period.

Pagtitiyak ni COMELEC chair George Garcia, na may mga kandidatong madiskwalipika sa pagtakbo sa BSKE.

Saad nito na seryoso ang COMELEC sa pagpapanagot sa mga pasaway na kandidato.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble