Mahigit 40,000 tanim na marijuana sinunog ng mga awtoridad sa Kalinga

Mahigit 40,000 tanim na marijuana sinunog ng mga awtoridad sa Kalinga

BINUNOT at agad na sinunog ng Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga Provincial Office ang nasa P9-M halaga ng dahon ng marijuana sa Tinglayan, Kalinga.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng PDEA kasama ang kapulisan.

Sa nasabing operasyon aabot sa mahigit 40,000 piraso ng marijuana ang naitalang sinunog ng mga awtoridad.

Pinuri naman ni PCG Northern Luzon Captain Ludovico Librilla Jr, ang ginawang pagtulong ng PCG sa naturang operasyon ng PDEA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble