Mahigit 40k na benepisyaryo ng 4Ps, pinaalis sa programa dahil sa review ng list of beneficiaries

Mahigit 40k na benepisyaryo ng 4Ps, pinaalis sa programa dahil sa review ng list of beneficiaries

MAHIGIT 40,000 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pinaalis sa programa dahil sa gitna ng kasalukuyang review ng list of benefeciaries.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo na marami siyang nabalitaan na hindi lang karamihan ng ating naririnig na pinang-iinom at pinangsusugal lamang nila ang mga tulong na ibinibigay ng 4Ps.

Aniya halos 600,000 benepisyaryo ang iniimbestigahan kung kwalipikado ba sila sa makatatanggap ng financial assistance.

Samantala sa ulat ng DSWD target nila na alisin ang halos 1.3 milyong pamilya mula sa 4Ps dahil hindi na sila maituturing na mahirap.

Follow SMNI NEWS in Twitter