Mahigit 430 barangay officials, sangkot sa ilegal na droga—PNP

Mahigit 430 barangay officials, sangkot sa ilegal na droga—PNP

MAHIGIT 400 barangay officials ang kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may kinalaman sa ilegal na droga kasunod ito ng ginawang pag-aaral ng PNP sa gitna ng papalapit na pagdaraos ng Brgy. at SK Elections (BSKE) ngayong Oktubre.

Marami pa ring mga barangay official ang sangkot sa kalakaran sa ilegal na droga.

Sa panayam ng media, araw ng Miyerkules Mayo 25, 2023 kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr., sinabi nito na nasa mahigit sa 430 barangay officials sa buong bansa ang may kaugnayan sa ilegal na droga.

Batay sa datos ng PNP, pinakamarami rito ay sa Region 6 (Western Visayas) at ilang bilang sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa PNP, mahigpit ang kanilang pagbabantay rito kasabay ng pangangalap ng karagdagang ebidensiya laban sa naturang mga lokal na opisyal.

Aminado naman ang PNP na malaking epekto ito sa bawat komunidad na pinamumunuan ng isang tiwaling opisyal lalo na may kaugnayan sa ilegal na droga na isa sa mga pangunahing problema at nais alisin ng pamahalaan sa mahabang panahon.

Mga tatakbo sa Brgy. at SK Elections, hinamon ng DILG na magpa-drug test

Hinamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, Jr. ang mga tatakbo sa darating na BSKE na magpa-drug test.

Muling iginiit ni Abalos ang matinding laban ng pamahalaan kontra ilegal na droga, kung kaya mahalaga aniya ang pakikipag-isa ng lahat ng sektor para sa mas mabilis na pagsawata rito.

Sa katunayan, sa Quezon, pinangunahan ng kalihim ang pakikipagkasundo nito sa lahat ng malalaking kompanya sa bansa para isailalim ang lahat ng mga empleyado nito sa random drug test para matiyak na walang bahid ng ilegal na droga ang workplace ng mga ito.

DILG, PNP at top business corporations, nagsanib-puwersa kontra ilegal na droga

Mula rito, mabilis na masusukol ng pamahalaan ang banta ng ilegal na droga depende sa ipatutupad na regulasyon at pagpapataw ng parusa ng mga kompanya kung mapatutunayang sangkot ang kanilang mga empleyado sa paggamit, pagbebenta at distribusyon ng ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter