GABI pa lang, abala na ang mga poll worker sa pag-distribute ng mga mga election document at paraphernalia.
Sa Facebook post ni Omar Sharif Dilangalen Mamalinta, spokesperson ng COMELEC Cebu at COMELEC officer ng Carcar City, ibinahagi nito ang kanilang paghahanda sa ire-release na mga election document at paraphernalia na personal na kinukuha ng mga voting center officers kasama ang mga tauhan ng PNP at iba pang ahensiya.
Ang buong Central Visayas ay may kabuuang 46,821 personnel para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), 41,000 sa mga ito ay mula sa mga teaching at non-teaching personnel ng DepEd, at COMELEC.
Nagsimula ang botohan kaninang umaga, alas siyete, ayon sa nakapanayam ng SMNI Cebu.
Sa kabuuan, may 2,956 na mga voting center sa Central Visayas para sa 3,003 na mga barangay nito.
1202 barangay ay sa Cebu, 1,074 sa Bohol, 548 sa Negros Oriental at 132 barangay sa Siquijor.
At sa kauna-unahang pagkakataon, lalahok din ang Cebu sa mall voting kung saan dalawang barangay nito ay boboto sa Robinson Galleria Cebu at SM City Consolacion sa lungsod ng Consolacion sa Cebu.
Mahigit apat na libong botante ang inaasahan boboto dito; 2,232 botante ng Brgy. Parian ng Cebu City ang boboto sa Robinsons Galleria Cebu at 2,424 botante mula sa Brgy. Pitogo ng lungsod ng Consolacion ang boboto sa SM City Consolacion.