Mahigit 49-K na mga manggagawa sa Isabela, nakakuha ng 220-M sahod sa ilalim ng TUPAD

Mahigit 49-K na mga manggagawa sa Isabela, nakakuha ng 220-M sahod sa ilalim ng TUPAD

NAKAKUHA ng P220-M sahod sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mahigit 49,000 na manggagawa sa Isabela Province.

Iniulat ni DOLE-Isabela Chief Evelyn Yango na may kabuuang 49,248 Isabelino ang nabigyan ng pansamantalang trabaho upang matugunan ang epekto ng kahirapan, kalamidad, at displacement.

Aniya, ang mga benepisyaryo mula sa anim na distrito ng lalawigan ay nakatanggap ng P220,684,000 na sahod para sa pansamantalang trabaho sa loob ng walong buwan ngayong taon.

Samantala binanggit ni Yango ang mahalagang papel ng programa ng TUPAD sa pagbibigay ng agarang tulong-pinansiyal sa pamamagitan ng pansamantalang trabaho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble