Mahigit 50 OFWs sa Taiwan, binigyan ng permanent residency

Mahigit 50 OFWs sa Taiwan, binigyan ng permanent residency

BINIGYAN ng permanent residency sa Taiwan ang nasa 53 Overseas Filipino Workers (OFWs) ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Kasunod ito sa kanilang ipinakitang exemplary performance o maayos na pagtatrabaho sa pinapasukang Taiwanese companies.

Partikular na kompanyang nagbigay ng permanent residency sa OFWs ay ang I-Mei Foods Co. Ltd na nakapag-hire na rin ng mahigit 10 libong Pinoy workers sa loob ng 30 taon.

Dahil dito, maaari nang makasama ng OFWs ang kanilang mga pamilya sa Taiwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble