Mahigit 500 pasahero, stranded sa Pio Duran, Albay—MDRRMO

Mahigit 500 pasahero, stranded sa Pio Duran, Albay—MDRRMO

UMABOT sa 553 pasahero ang stranded sa Pio Duran, Albay dahil sa Bagyong Egay.

Sa ulat ni Pio Duran, Albay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head Noel Ordona, nananatili sa port area ang kanilang mga tauhan upang alamin ang sitwasyon ng mga pasahero.

Gumagawa na aniya ng paraan ang lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga stranded na pasahero.

Maliban dito, inaalam na rin ang stockpile ng mga ayuda na inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol tuwing may bagyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble