MARAMI ang nawalan ng tahanan at nakatira na lang sa mga makeshift tent ngayon dahil sa malakas na mga pag-ulan at malawakang pagbaha sa North Korea.
Batay sa ulat ng Korean Central News Agency, nasa 4.1K na kabahayan, 3K ektarya ng lupaing sakahan at iba’t ibang imprastraktura at daanan ang binaha.
Sa lugar ng Sinuiju at Uiju, mahigit limang libo katao ang na-stranded at ni-rescue sa pamamagitan ng airlift.
Nagsimula noong Sabado, Hulyo 27 ang mga pag-ulan sa North Korea.