Mahigit 5K sundalo, lalahok sa kauna-unahang Combined Arms Training Exercise ng Philippine Army sa Marso

Mahigit 5K sundalo, lalahok sa kauna-unahang Combined Arms Training Exercise ng Philippine Army sa Marso

PUSPUSAN na ang ginagawang preparasyon ng mga opisyal ng Philippine Army para sa kauna-unahang Combined Arms Training Exercise (CATEX) katihan na isasagawa sa Fort Magsaysay Nueva Ecija at Tarlac ngayong darating na buwan ng Marso 2024.

Sa katunayan, nasa final planning process na ang mga detalye at mga aktibidad na lalahukan ng aabot sa mahigit 5-K sundalo mula sa iba’t ibang Army unit ng bansa.

Layon ng aktibidad ang paghandaan ang nakatakdang defense at security transition ng bansa papuntang territorial defense operations.

Ang naturang large-scale exercise ay susubok sa mga kakayahan ng mga Army unit sa paggalaw, pagmaniobra, at kakayahang tumagal sa gitna ng combat operations.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter