INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na aabot sa 6, 125, 841 na international arrivals ang naitala ng bansa sa buong 2022.
Sa naturang bilang, 3.6 million ay arrivals ng mga Pilipino.
687,135 ay mula sa Estados Unidos; sinundan ng South Korea na may 448,491; Australia na may 152,476; Canada na may 141,578; at Japan na may 123,011.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sobrang mas mataas ito kumpara sa nakalipas na dalawang taon ng COVID-19 pandemic.
Bagamat hindi pa abot ang 17 million arrivals noong 2019, umaasa si Tansingco na hakbang na rin ito tungo sa panunumbalik ng nabanggit na bilang.