Mahigit 60.3M balota, kailangan pang i-imprenta para sa midterm elections—COMELEC

Mahigit 60.3M balota, kailangan pang i-imprenta para sa midterm elections—COMELEC

MAHIGIT 11.7M (11,780,626) na ang naimprintang balota para sa May 2025 midterm elections ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Dahil dito, nasa 60.3M (60,326,794) na lang mula sa kabuuang 72M (72,107,420) ang kailangang maimprinta.

Bagamat naabot ng COMELEC ang kanilang daily output target na 1.5M ay umaasa sila na kakayanin nila ang hanggang 2M na balota upang mahabol on time ang pag-iimprinta.

Sa kabilang banda, umaasa si COMELEC Chairperson George Garcia na mapabilis pa ang manual verification ng mga balota, na kasalukuyang isinasagawa ng 800 COMELEC personnel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble