PINAKAWALAN na ang 66 na mga sundalo na dinukot ng mga taga-Guaviare sa Colombia nitong Lunes, Agosto 12.
Sa social media post ng Colombian Defense Ministry, noong Biyernes, Agosto 9 pa nang dinukot ang mga sundalo sa ilalim ng utos ng rebel group na may ugnayan kay Jorge Suarez Briceño, isang high-ranking member ng Revolutionary Armed Forces sa naturang bansa.
Bagamat nadukot ay magpapatuloy rin ang mga ito sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga rebeldeng grupo sa Guaviare.
Ang Guaviare Area ay isa sa mga lugar sa Colombia kung saan may malakas na puwersa ang mga rebeldeng grupo.