Mahigit 600 na Pinoy, naiuwi na ng bansa mula Kuwait simula Mayo—DMW

Mahigit 600 na Pinoy, naiuwi na ng bansa mula Kuwait simula Mayo—DMW

INIHAYAG ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa 644 na overseas Filipino workers (OFWs) na ang nakauwi ng bansa mula Kuwait simula noong Mayo.

Sinabi naman ni DMW Undersecretary Hans Cacdac na hindi pa makumpirma ng pamahalaan ang mga ulat na pina-deport ng pamahalaan ng Kuwait ang nasa 302 na mga OFWs.

Ani Cacdac, ang mga naiuwing manggagawa ay mga distressed workers na may labor cases, may mga problema sa employer at mga manggagawang paso na ang visa.

Matatandaan na ngayong taon lamang nang itigil ng pamahalaan ng Pilipinas ang deployment ng mga domestic worker sa Kuwait matapos na madiskubre ang katawan ng 35-taong gulang na domestic worker na si Jullebee Ranara sa Kuwaiti desert noong Enero.

Nagsanhi ang insidente ng tensiyon sa pagitan ng Kuwait at Manila dahil sa proteksiyon at karapatan ng mga Filipino migrant workers na nauwi upang suspendehin ng Kuwait government ang bagong visas para sa mga Filipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter