Mahigit 6,000 roadworthy traditional jeepney, papasada na sa Metro Manila

Mahigit 6,000 roadworthy traditional jeepney, papasada na sa Metro Manila

MAAARI nang bumiyahe ang 6,002 mga roadworthy na traditional jeepney sa National Capital Region (NCR) simula ngayong araw, Hulyo  3.

 

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing kung saan mayroon aniyang 49 na ruta ang mga ito.

 

Ani Roque, ito ay ang mga traditional jeepney na narehistrong roadworthy ng Land Transportation Office (LTO) at mayroong passenger insurance policy.

 

Mananatili namang P9 ang pamasahe sa unang apat na kilometro at dagdag na uno singkwenta pesos P1.50 sa bawat kilometro.

 

Binigyang-diin ni Roque na kailangang ipatupad ang social distancing, nakasuot ng mask  ang mga tao at dapat may disinfectant.

 

Mahigpit namang ipinaiiral para sa mga tsuper at operator ang safety operations tulad ng pagsusuot ng mask at gwantes at mayroon lang dapat na maximum of 50 percent operating capacity.

 

Mga “roadworthy jeepney” na walang QR code, papayagang bumiyahe

 

Papayagan pa ring bumiyahe ang mga “roadworthy jeepney” na walang QR code simula ngayong araw hanggang sa Linggo.

 

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ito ay dahil maantala ang pag-iisyu ng QR codes bunsod ng maintenance issues sa LTFRB website na kasalukuyan ay hindi available.

 

Sinabi ni Delgra na sa ngayon ay hindi muna huhulihin ang mga puj na walang QR code.

 

Dagdag pa ng LTFRB Chairman na ipo-post nila ngayong araw sa kanilang social media account ang mga jeepney operator na maaaring mag-operate hanggang sa Linggo.

 

Matatandaang kabilang ang pagkuha ng QR code at pagdisplay nito sa kanilang PUJ unit sa requirements ng LTFRB sa 6,002 PUJ bago makabiyahe ngayong araw sa 49 na ruta sa Metro Manila.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.