Mahigit 60K overseas Filipino, bumoto sa nakaraang eleksyon sa Dubai

Mahigit 60K overseas Filipino, bumoto sa nakaraang eleksyon sa Dubai

UMABOT sa kabuuang 60,393 overseas Filipino ang bumoto sa Philippine Consulate General (PCG) sa Dubai sa nakaraang 2022 overseas voting.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng overseas voters sa Middle East simula noong taong 2004.

Ayon sa PCG, ang naturang numero ay 31.49  percent ng 191,779 registered voters sa Dubai.

Ayon kay Consul General Renato N. Dueñas Jr., patunay lamang ito ng pagkakaroon ng interes ng overseas Filipino na lumahok sa demokratikong proseso ng eleksyon sa bansa at marinig ang kanilang boses kung sino ang kanilang pinili.

Matatandaan noong 2016 presidential election, umabot sa kabuuang 37,950 ang bumoto o 30.8 percent ng 122,953 registered overseas voters sa Dubai.

Follow SMNI News on Twitter