Mahigit 8-K kaso ng COVID-19 naitala sa loob ng 6 na araw

Mahigit 8-K kaso ng COVID-19 naitala sa loob ng 6 na araw

NAKAPAGTALA ng 8,032 na panibagong kaso ng COVID-19 ang bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay mula Nobyembre 21-27, 2022.

Ang daily average case ngayong linggo ay nasa 1, 147.

Ayon sa kagawaran ito ay mas mataas ng 0.3 percent kung ikukumpara sa mga kaso mula Nobyembre 14-20.

Noong Nobyembre 27, 2022, ay mayroong 599 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Follow SMNI News on Twitter