MAGKAHIWALAY na darating sa bansa ang mahigit sa 8-M COVID-19 vaccines ng Pfizer at Janssen simulang ngayong araw hanggang Disyembre 15 ng taong ito.
Ngayong araw ay nakatakdang dumating sa bansa ang nasa 859,950 doses ng Pfizer vaccine na binili ng Pilipinas at 1,526,400 doses ng Janssen vaccine na bahagi naman sa donasyon ng Dutch government.
Unang lalapag sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport ang Pfizer vaccines na sakay ng Air Hongkong Flight LD456 ng alas nueve singko mamayang gabi.
Habang ang nasa kabuuang 1,526,400 doses ng Janssen vaccine na lulan naman ng Qatar Airways flight QR928 ay inaasahang lalapag mamayang pasado alas diyes ng gabi sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.
Bukas, Disyembre 14 ay nakatakda din dumating sa bansa ang nasa 2,956,800 doses ng J&J vaccine na magkakahiwalay.
Ang unang shipment na 945,600 doses ng J&J ay darating ng alas kwatro diyes ng hapon at ang ikalawang batch na 2,011,200 doses ng J&J ay darating ng alas diyes kinse ng gabi.
Sa Miyerkules, Disyembre 15 naman ang pagdating ng 3,055,200 doses ng J&J vaccine ng alas kwatro kinse ng hapon.
Ang Janssen COVID-19 vaccine ay pawang mga sakay ng Qatar Airways na lalapag sa NAIA Terminal 3.
BASAHIN: Japan, inaprubahan na ang paggamit ng Pfizer vaccine bilang booster shot