NASA mahigit 800 na partisipante ang lumahok sa isinagawang Fun Run for a Cause ng Jose Maria College Foundation Inc., sa Davao City nitong Linggo.
Hindi paman sumisikat ang araw—pero dagsa na ang mga partisipante sa Fun Run for a Cause ng Jose Maria College Foundation, Inc. sa Davao City para magpa rehistro para sa 3k at 5k categories.
Ilang sandali pa ay nagsipaghanda na ang lahat ng mga kalahok para sa 5 kilometer category kasabay ang hudyat ng pagsisimula ay walang pinalampas na oras ang mga kalahok sa pagtakbo.
Matapos ang tatlumpung minuto ay sumunod naman ang mga kalahok sa 3k run.
Nasa mahigit 800 na partisipante ang sumali sa nasabing fun run, hindi lamang ng mga mag-aaral at mga guro ng JMCFI kundi kabilang na rin ang mga bata, matatanda, magpapamilya, at magbabarkada.
Matapos ang ilang minuto unti-unti nang nagsidatingan ang mga kasali sa nasabing fun run—sa finish line sa loob ng KOJC Compound at kita ang saya ng lahat, matapos ang maagang exercise at bonding.
Samantala, ipinunto rin ng mga organizer na mahalaga ring sumali sa mga ganitong aktibidad dahil bukod sa nakakatulong na sa kapwa ay nakakabuti rin ito sa ating kalusugan.
‘’I think it’s a very good opportunity kay naa man gud silay ginatawag karon na running era na, so mahilig na iyung mga tao into running, so, it’s a good opportunity na kunin natin para maging mas involved, or para mas maging physically active ang ating students as well as mga parents. It’s away by which we can prevent yung mga lifestly diseases. It’s good that we incorporate healthy lifestly hindi lang among adults but also sa mga kabataan,’’ ayon kay Dr. Marj Team Juggle Runners.
Ang nasabing fun run ay bahagi ng pagdiriwang ng Intramurals ng JMCFI. Layun nitong makalikom ng pondo para sa iba’t ibang grupo.
‘’Together with the basic education, we started this community engagement with the children in Tamayong and the elderly at Cosujian center, so basically if we make anything from this, they will benefit. We will also be giving tutorial and coaching to the public senior high schools,’’ saad ni Dr. Susan S. Cruz Dean, College of Business, JMCFI
Ang matagumpay na fun run na ito ay patunay na kahit sa gitna ng abalang buhay, mahalaga ang pagbibigay-pansin sa kalusugan, kasiyahan, at pagkakabuklod ng bawat isa.
Sa pagtatapos ng aktibidad, nagkaroon ng awarding ceremony para sa mga nanalo sa bawat kategorya.