NAGPATUPAD ng agarang evacuation operation ang Office of Civil Defense (OCD) bunsod ng patuloy na pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Base sa tala ng OCD, tinatayang aabot sa 87,000 residente ang apektado ng pagputok ng naturang bulkan.
Kaugnay nito inactivate na ni Defense Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Gilberto Teodoro, Jr. ang National Inter-Agency Coordinating Cell (IACC) upang makipagtulungan sa mga gagawing pagresponde at binigyang-diin ang kahalagahan para sa in-person duty mula sa mga member agencies sa NDRRMOC simula ngayong araw.
Sa ngayon nakatutok ang mga awtoridad sa Brgy. Sag-ang dahil sa dereksiyon ng hangin na dumagdag pa sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga rescuer dahil sa ashfall.