Mahigit 900 PUVs, nabigyan ng special permits ngayong Kapaskuhan

Mahigit 900 PUVs, nabigyan ng special permits ngayong Kapaskuhan

NASA 956 na Public Utility Vehicles (PUVs) lalong-lalo na mga bus ang nabigyan ng special permits ngayong holiday season.

Sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), matitiyak na sa commuters na hindi sila kukulangin sa transportasyon.

Valid ang special permits mula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 10, 2025.

Umaasa naman ang LTFRB na magiging ligtas ang lahat ng mga biyahero ngayong Kapaskuhan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble