Mahigit 91M pisong halaga ng ilegal na droga nasamsam sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Davao del Norte

Mahigit 91M pisong halaga ng ilegal na droga nasamsam sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Davao del Norte

NASA 6.5 na kilo ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation nitong umaga ng Sabado, Feb. 15, 2025 sa Brgy. New Visayas, Panabo City, Davao del Norte.

Nagkakahalaga ito ng mahigit 44 milyong piso.

Timbog ang 2 suspek na isang lalake at isang babae na pawang kabilang sa mga high-value target sa ilegal na droga sa Davao Region.

Tiniyak naman ni PRO 11 Director PBGen. Leon Victor Rosete na hindi nito sasantuhin ang sinumang balakid sa kaayusan at kaligtasan ng kanilang nasasakupang komunidad.

“We will not waver in our fight against illegal drugs. We will be relentless in our pursuit of those who threaten the safety and the future of the people in the community, especially in the Davao Region,” giit ni PBGen. Rosete.

Sa kaparehong araw rin ng Sabado nang mahuli ang 5 suspek sa isa pang buy-bust ops ng mga tauhan ng PDEA National Capital Region sa Brgy. Tikay, Malolos, Bulacan.

Nakuha mula sa mga suspek ang humigit kumulang 7 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 47 milyong piso.

Kinilala ang mga suspek na sina Alias “Joyce”, 46, babae, walang asawa; Alias “Caloy”, 41, lalake, may asawa; Alias “Carl”, 19, lalake, walang asawa; “Christy”, 21, babae, walang asawa; at Alias “Russ”, 20, lalake, walang asawa, na pawang mga residente ng Malolos, Bulacan.

Ayon sa mga awtoridad, nakasilid sa brown-gold na foil packs na may Chinese Characters at may nakasukat na “Freeso-dried Durien”.

Bukod sa mga droga, narekober rin sa mga suspek ang cellular phones, buy-bust money, at IDs.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 ang mga suspek.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter