Mahigit isandaang liquid marijuana, nakumpiska ng BOC sa Pasay

AABOT sa mahigit isang daan na liquid marijuana ang nasabat ng Bureau of Customs- Port of NAIA at mga kasama nitong ahensiya sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ayon sa isang ulat, ang nasabing mga package ay idineklarang naglalaman ng dietary supplements na may ibat-ibang consignees.

Subalit sa 20 packages nito, isang daan at labing-anim na bote ang may lamang liquid marijuana base narin sa pagkumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang chemical laboratory test.

Kasalukuyang naiturn-over na sa pdea ang nasabing mga package at maaaring makakasuhan ang sinumang inibidwal na sangkot dito sa paglabag sa Republic Act 9165 at Customs Modernization and Tariff Act.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.