Mahigit isanlibong migrante sakay ng mga bangka, dumaong sa Italy

Mahigit isanlibong migrante sakay ng mga bangka, dumaong sa Italy

DINAGSA ng mga bangkang lulan ang daan-daang migrante mula sa mga bansang Tunisia at Afghanistan ang mga maliliit na isla ng Italy.

Batay sa datos ng Italian media, humigit kumulang sa 50 bangka ang dumating na sinakyan ng mga migrante noong Biyernes at Sabado.

Ang ilan sa mga migranteng napadpad sa Italia ay nasa Lampedusa, Pantelleria, Puglia, Calabria, Sicily at Sardinia.

Isa ang Doctors Without Borders  isang humanitarian organization ang tumulong sa pagsagip sa mga migranteng na na-stranded sa gitna ng dagat malapit sa bansang Libya.

Ayon sa mga huling ulat, naging mahirap ang sitwasyon ng mga migranteng dumaong sa Italy partikular na sa Lampedusa dahil sumisikip na ang mga pasilidad sa naturang lugar.

Sa ngayon, sinisikap na ng mga awtoridad ng Italy na mabawasan ang paninikip ng mga pasilidad sa pagdagsa ng mga migrante.

Follow SMNI NEWS in Twitter