NASABAT ng pinagsanib puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mahigit kalahating toneladang pinaghihinalaang shabu sa Mexico, Pampanga.
Ayon sa PDEA, nagkakahalaga ang mga ilegal na droga ng tinatayang mahigit P3-B.
Ito na ang pinakamalaking halaga ng shabu na nasamsam ng mga awtoridad sa ilalim ng Marcos administration ngayong taon.
Napag-alaman na galing sa bansang Thailand ang mga ilegal na droga na nakalagay sa isang container at legal diumanong naiproseso mula sa port patungo sa warehouse sa Brgy. San Jose, Malino, Mexico, Pampanga.