MAHIGIT 13 billion pesos ang kinakailangan para ma-upgrade ang air traffic management ng bansa.
Ayon ito sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Anila, ang ginagamit na Communication, Navigation, and Surveillance o Air Traffic Management ( CNS/ATM) System ay 2010 pa nang mapunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ng CAAP na maaari pa ring gamitin ang CNS/ATM subalit kailangan nga lang ito nai-upgrade.
Nitong January 1, 2023 nang nagkaroon ng technical glitch ang CNS/ATM sa NAIA kung saan higit 280 flights ang naapektuhan.